[Note: Maliya is a Spanish-English speaker but I will use Tagalog for better understanding.] [The Real] Maliya’s POV Naniniwala ka ba na sa mundo, may at least pitong tao kang kapareho ng itsura? Ang tawag dito ay ‘doppelganger.’ Ito ay salitang German na hango sa dalawang salitang ‘doppel’ na katumbas na salita ay double at ‘ganger’ na nangangahulugang walker o goer. Double Goer. May tao sa ibang panig ng mundo ang parehong-pareho sa itsura mo. Maraming iba’t ibang mga paniniwala ang nakalakip dito depende sa kung anp ang paniniwalaan mo, ngunit isa lang ang masisiguro ko. May doppelganger ako. At matagal na nitong iniokupa ang lugar at buhay na dapat ay para sa akin. Oras na para bawiin ang nararapat ay para sa akin ngayon aminado akong hindi na muling magkakapro

