Alam kong mahirap at alam kong malaki ang itataya ko rito, ngunit ito lamang ang pinakatamang paraan para ayusin ang gusot na nasimulan ko… maging ang gusot sa tunay kong pagkatao. … … … Aaminin ko na kay Davos lahat-lahat. Sasabihin ko ang buong detalye ng mga kaganapan kagabi upang tanggalin sa isipan niya ang ideyang nangangaliwa ako at ang pinkamalala pa ay sa pamilya ng mortal niyang mga kaaway. I am ready to risk anything I have now, kung ito lamang ang natatanging paraan an hindi ko siya masaktan dahil sa maling ideya na laman ng kanyang isipan. Masiyadong napakalaki ang naging impact ng mga salitang bintiwan ni Vera sa akin kanina. Kapareho ko siyang lumaki sa hindi napakasayang buhay bata. And of all people, ako ang pinakamas nakaka-relate sa sitwasiyon

