Hindi ko na rin lang ma-take ang pang-aakusa ng aking asawa sa akin sa bagay na hindi ko ginawa ay lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong magpalit ng damit. Kailangan ko siyang iwasan muna nang pareho kaming mabigyan ng space na makapag-isip-isip sa problemang kinakaharap namin ngayon. Panalangin ko lamang ay maintindihan niya ang side ko na hindi ko kayang ipagtapat lahat sa kanya dahil sa pinapangalagaan ko ang kung ano mang special na meron sa amin. Ayoko ko itong mawala… at sa tingin ko hinding-hindi ako magiging handang kalimutan na lamang ito kapag lumabas na ang katotohanan. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad-lakad sa maraming pasilyo ng mansion ng pinsan ni Davos hanggang sa mapadpad ako sa labas ng damuhan. Hindi ko naman inaasahang makikita ko roon ang malditang nagmamay-

