Lumalim ang mga halik ni Viel habang naging pangahas at mapaghanap na ang mga kamay nito. Naramdaman niya ang paggapang ng isang kamay nito sa kaniyang hita paakyat sa kaniyang balakang nang biglang may eksenang sumagi sa kaniyang isipan. Walang sabi-sabing itinulak siya nang malakas sa kama ng lalaking hindi niya masino ang mukha. Napapikit siya dahil sa sakit na naramdaman dahil sa pagtama ng kaniyang ulo sa headboard ng kama. Marahas nitong hinila ang kumot na nakatakip sa kaniyang kahubdan at galit na inangkin nito ang mga labi niya. Ramdam niya ang hapdi ng sariling mga bibig kasabay ng pag-agos ng kaniyang mga luha. “Ito ang gusto mo, hindi ba? Well, I will give what you want! mariin at bakas ang galit sa tinig na parang pamilyar sa kaniyang pandinig. Bigla niyang itinulak palayo