"Hindi ako galit sa iyo, Brian. Hindi lingid sa akin ang ginawa ng anak ko sa iyo. Malaki ang naging kasalanan niya sa iyo. Masama ang loob ko sa nangyari sa kaniya. But maybe ito ang gusto ng Dios. Ito ang paraan ng Dios para magising siya sa katotohanan. At ikaw siguro ang instrumento ng Dios para ma-realize ni Daphne na hindi lahat ng gugustuhin at nanaisin niyay makukuha niya. Ikaw ang nagturo ng leksyon sa anak ko, Brian. Para matanto niyang hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa madaling paraan. Dangan lamang ay hindi na siya nagkaroon ng mahaba-habang pagkakataon para itama ang mga maling nagawa niya. “But I have to take her back from you now. From now on, she will stay with me, gustong idagdag ni Don Roberto, pero hindi iyon lumabas sa kaniyang mga bibig. Hindi tamang malam