ONE YEAR LATER Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa buong silid. She stared overhead, a curved ceiling where plaster of fairies danced among ribbons of flowers. Odd, she thought. How odd and lovely. Natuon ang kaniyang mga mata sa pintuan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang lalaking hindi niya kilala, may kalong itong sanggol. Sumunod na pumasok ang isang matandang lalaking aristokrato ang tindig. Tila nagulat ang mga ito nang makita siyang nakaupo sa malaking kama. D-Daphne?! gulat na bulalas ng matanda bagamat hindi maitago ang kasiyahan sa mukha nito. Gising ka na, anak. Oh, DD Hija. Hindi napigilan ng Don ang hindi maiyak sa harap ng tila naguguluhang si Daphne. Blanko ang reaksyon nito. Tila alangang yakapin ang kaniyang ama. Si Viel na nagulat din nang mala