JASLEAH MARIE SANCHEZ’ POINT OF VIEW “JASLEAH, pasensya na kung ginulo ka niya ah? Kanina lang magkakasama kami pero bigla siyang umalis.” Giit ni Tom. Biglang nawalan ng malay si Edison habang umiiyak kanina kaya tinawagan ko si Tom. Nagulat kaming dalawa ngunit sa tingin namin e’ dala ‘yon ng kanyang kalasingan at halatang may tinira siya bago pumunta dito. Edison has ways of coping up, and he never learned to leave drugs. "Pinigilan ko siya pero sabi ni Shu Qi, pabayaan ko na lang daw na gawin ang gusto niya. Kaya 'yan napa-drive 'yan dito." Dagdag niya muli sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin kay Patchot. Kasama ko si Atty. Archer dito sa bahay dahil baka may gawin si Edison kung sakaling magising siya. Ayokong magkaroon ng dahilan para mahirapang ituloy ang laban n