SHU QI HUANG'S POINT OF VIEW SUMANDAL ako sa driver's seat nang maparada ko ang aking sasakyan sa harap ng bahay. Napakabilis ng lahat, sa isang iglap, pakiramdam ko nagtagumpay ako at napaglayo ko na si Jasleah at si Edison. Sino bang mag-aakala na mananalo din ako sa labang ito? Ako ang tunay na asawa, at si Jasleah, isa lang siya parte ng nobela na 'to. Natapos na ang kabanata niya, at ako ang tunay na nagwagi. Huminga ako ng malalim at pinilit na ngumiti. Kailangan pagdating ko sa bahay ay makita ni Edison na tama ang kanyang naisip na ako ang kampihan. Ako, siya at si Emmanuel. Kaming tatlo ang tunay na pamilya. Ang sunod kong gagawin ay mapaglapit ang loob ng mag-ama ko, tapos ay kaming dalawa. Sisiguraduhin ko na magiging mag-asawa na talaga kami. Na ako na ang kanyang mamahalin.