JASLEAH MARIE SANCHEZ’ POINT OF VIEW “UMALIS ka sabi dito e!” Ang sigaw ni Emmanuel ang bumungad sa akin nang dalawin ko siya. Sumubok ako ulit na kunin ang loob niya pero walang epekto. “Ayoko sa’yo! Sinira mo si Mommy at Daddy!” singhal niya muli sa akin. “Jas, I think you need to slow it down a little.” Saad ni Ate Zarina sa akin. “Ano? Para mas lalo ninyo ma-brainwash ang anak ko?” tanong ko pabalik sa kanya. Napapikit siya, mabait si Ate Zarina at sinusubukan niya akong intindihin. “Jas, alam kong mali ang ginawa ni Shu Qi, at mali ‘rin ang ginawa nang kapatid ko na--” “Huwag mo na silang subukang ipagtanggol kasi nasaktan na ako. Ate Zarina, galit ang anak ko sa akin! Ang anak ko na buong pitong taon e’ akala ko patay na!” sagot ko sa kanya. “Hindi ko mga ako anak! Stop telling