Chapter 38: The Pain JASLEAH MARIE SANCHEZ POINT OF VIEW HINDI ako mapakali habang inaabangan na lumabas sa operating room ang doktor. Masyado ang bleeding ni Emmanuel, at alam kong kasalanan ko ‘to. Kung ‘di siya nabigla sa mga naging sagutan namin ni Shu Qi. Kung ‘di ako nagmatigas… Hindi sana ito mangyayari. Tumingin ako kay Edison at nakita kong pinapakalma niya si Shu Qi na hindi mapakali. Umiiyak silang dalawa habang pilit na pinapakalma ni Edison si Shu Qi. Parehas silang hirap na hirap, puno nang pag-alala. “Hindi ko kakayanin kung may mangyari sa anak natin, Edison. I love him so much.” “Emmanuel would be alright, malakas ang anak natin.” She leaned on him and he caressed her back. Hindi ako makalapit para akong sinasakal ng katotohanan na hindi na ito ang realidad na para sa