Chapter 37: Familiar JASLEAH MARIE SANCHEZ POINT OF VIEW "PASENSYA ka na kung nagulo kita ngayong gabi." Sabi sa akin ni Edison. Lumapit siya sa akin at saka umupo sa kama kung nasaan nakahiga si Emmanuel at natutulog. Maaga nakatulog ang bata dahil sa pagod nito, maraming nangyari sa kanya ngayong araw. Para sa akin e wala lang naman ang tulong na ito, given na nasisira ang pamilya na mayroon siya dahil sa kung anong meron kami. "Edison, itigil na kaya natin 'to?" tanong ko sa kaniya. He looked at me, "Hihiwalayan ko si Shu Qi, Jas.I already asked our lawyers to prepare our annulment and our divorce in Beijing. Medyo natatagalan lang sila dahil dalawa ang kasal na ipapasawalang bisa." Huminga ako ng malalim. "Madaling gawin 'yon pero paano ang bata. Ayoko na magalit siya sa'yo dahil la