KINABUKASAN ay sakto lang ang oras ni Ira para sa paghahanda papunta sa kaniyang trabaho. Pero bago pa ito makaalis sa unit ay nakatanggap siya ng tawag mula sa unknown number. Nagdadalawang isip ito kung sasagutin niya ba o hindi. Pero iniisip niya na baka importante kaya agad niya rin itong sinagot. "Hello?" bungad na tawag ni Ira sa kabilang linya. "Is this Ira Mae Velasquez?" Napakunot naman ang noo niya nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki. "Yes, why?" "That's good. I just want to ask if you are okay at nakapasok ka ba sa trabaho mo?" Napakagat sa labi si Ira nang maalala kung kanino galing ang mga boses na ito. Ang daming tumatakbo sa isip niya. Paano nakuha ng binata ang number niya? At hindi niya maalala kung may sinabi ba itong may trabaho siya ngayon. Isa lang

