TAHIMIK ang loob ng sasakyan habang nagda-drive si Ira para maihatid si Allen sa lugar na sinabi nito kanina. Halo-halo na ang nararamdaman ng dalaga habang tinatahak ang daan; antok, pagod at hilo. Kung mag-isa lang siguro siya sa sasakyan ay baka naitabi niya na lang ito kung saan at doon na lamang magpahinga. "Are you okay? Kaya mo pa ba? Gusto mo ako na lang mag-drive?" sunod-sunod na tanong ni Allen nang mapansin niya si Ira. Mas malayo kasi ang lugar na paghahatiran ni Ira kaysa sa condo unit na tinutuluyan niya. "Kaya ko. Manahimik ka lang d'yan." "Sabihin mo kung hindi na. Papikit na 'yang mga mata mo, eh." Saglit itong tinignan ng dalaga at nginisian. Binalik niya muli ang tingin sa daan at tinapik ang kaniyang pisngi para magising. Pinindot niya ang button ng radio

