NAIHATID ng maayos ni Allen pabalik ng condo unit si Ira. Pagod na pagod ang dalaga habang nakasandal ang kaniyang katawan sa upuan ng sasakyan ni Allen. Hindi nito alam ang pakiramdam niya ngayon. Kanina pa sila nasa loob ng kotse, pero ayaw pa ni Ira bumaba. Parang gusto pa ulit ni Ira uminom ng alak. Ayaw niyang maaalala ang tungkol sa nakatatandang kapatid nito na nasa hospital. Naka-intensive care unit pero may taning na ang buhay. Hindi niya na alam ang gagawin. Hindi niya sigurado kung tama pa ba 'yong ginawa niya dahil kahit anong gawin niya ay walang nangyayaring maganda. "May problema ba, Ira?" tanong ni Allen nang mapansin niyang kanina pa tahimik ang dalaga. Napalingon naman sa kaniya si Ira at halata rito na pinipigilan niya lang na huwag umiyak sa harap nito. Umiling lang

