HINDI makapagsalita ang bawat isa nang makatapos si Ira sa paghuhas ng katawan. Parehas silang nakaupo sa couch at tahimik. Kung ibubuka man nila ang kanilang bibig para magsalita ay natitikom din nila ito agad. Samantalang niyakap ni Ira ang sarili nang maramdaman ang lambot sa hood na binigay sa kaniya ni Allen. Mabuti na lang at mahahaba ito na umabot sa kaniyang tuhod dahil wala pa naman siyang suot na short o pantalon. Tanging panloob lamang ang natitirang gamit niya na suot nito. Gusto niyang asarin si Allen at tanungin kung bakit may ganitong hood siya para lang mawala ang tahimik na atmosphere sa pagitan nila o kaya naman ay mag-open dito. Nagdadalawang isip tuloy siya kung ano ang gagawin. 'Hays. Bahala na nga,' ani ni Ira sa kaniyang isip. Nakabuka na si Ira at magsasalita na

