NAGTATAKA namang napatingin si Allen sa cellphone na binaba ni Ira. Hindi niya man lang narinig ang pinag-usapan nila. Hindi niya tuloy mapigilang mapaisip kung may nakakausap bang ibang lalaki ang dalaga. "Sino 'yon?" tanong ni Allen. Hindi naman sumagot ang dalaga at inabot si Riley sa kaniya. Kinuha niya naman ito at binalik din ang tingin kay Ira na nilagay ang phone sa kaniyang bulsa. "Wala 'yon," diretsong sagot nito at tinignan si Allen na bagong bihis na. "Ang tagal mo namang magpalit ng damit." "Pasensya na. Lahat kasi ng damit ay bagay sa akin kaya ang hirap pumili," pagmamayabang nito dahilan kaya napaikot ang mga mata ng dalaga. "Alam mo ang yabang mo. Tignan mo naman itsura ng anak mo. Paliguan mo na kaya 'yan?" reklamo ni Ira nang makita na hindi pa nakakapagpalit si Ril

