HINDI mapalagay si Ira kung anong gagawin niya matapos ang gabing binigay sa kaniya ni Allen ang necklace na may design na lotus. Alam naman niyang napaka-meaningful sa kanila ang simbolo na 'yon dahil bawat isa sa kanila ay may ibig sabihin sa lotus. Kanina pa siya tinatawag ni Allen sa baba para kumain, pero nagdahilan ito na busog pa. Gustuhin niyang mang makisabay sa kanila ay naiilang naman siya sa binata. Lalo na sa tuwing nakikita niya ito ay nagloloko ang pagtibok ng puso niya. Simula ito noong binigay sa kaniyang ang kwintas na suot niya. Hindi niya mapigilang titigan ang sarili sa harap ng salamin. Aaminin niyang na-touch siya sa ginawa ng binata sa kaniya at maganda talaga ang napili nitong kwintas. Pero may part sa kaniya na ayaw niya pang tanggapin 'yon. Nahihiya rin siya n

