INIHATID ni Allen si Ira pabalik sa condo unit nito para kumuha ng kaniyang mga gamit dahil simula ngayon ay sa bahay na ng binata ito tutuloy. Biglaan man ang lahat sa kaniya pero kailangan niya na ng sanayin ang sarili para doon. Hindi man niya in-expect ang nangyari pero at least may nangyaring maganda rin ang pag-inom nito ng alak. Matagal niya nang kilala si Allen kay may tiwala ito sa kaniya. Sa lahat ng ginawang pagtulong sa kaniya ng binata ay maaari niya ring sabihin na balik na tulong niya na lang din ito. Ang pinagkaiba nga lang ay binabayaran 'yong pagtulong niya. "Gusto mo pa bang samahan pa kita sa taas?" tanong ni Allen nang makapag-park na siya sa harapan ng building na tinutuluyan ni Ira. "Hindi na. Konting gamit lang din naman ang kukunin ko kasi sabi mo may gamit na

