NAPAHAWAK si Ira sa kaniyang ulo nang makaramdam ng pagkirot. Alam niyang sobra na naman ang nainom niya kahapon. Hindi na nakapagtataka sa kaniya kasi araw-araw naman na ganoon ang nararamdaman niya sa tuwing gigising siya ng umaga. Nang mahimasmasan ay napaikot siya sa kaniyang paligid at napansin na hindi pamilyar ang mga gamit na naka-display roon. Ang tanging pamilyar lang sa kaniya ay ang bag niya na nakalagay sa side table. Wala naman siyang maalala na may ibang pinuntahan. Ang kasama niya lang kahapon ay si Allen. Napatigil siya sa pag-iisip at napalingon ito sa may pintuan nang makarinig na katok mula sa labas ng kuwarto. Ilang katok ang narinig niya bago pumasok ang matandang babae sa loob. Nakabihis ito katulad ng mga uniform na nakikita niya na pangkatulong. "Mrs. Ramirez,

