UMUNAT ng katawan si Ira matapos nilang mag-shoot. Pagkatapos ay pabagsak siyang napaupo sa upuan na malapit sa kaniya. Isinandal ng dalaga ang kaniyang likuran at napatingala. Hindi nito alam kung bakit siya napagod ng ganoon lang. Kaunti lang naman ang scene na na-i-shoot nila kanina. She took a deep breath and turned her gaze to the flower on the table. Isa pang bagay na kailangan niyang isipin ay ang tungkol sa pag-abot ng bulaklak sa kaniya kanina. May alam siyang tao na gagawa no'n, pero hindi siya sigurado kung tama ba 'yong naiisip niya. "Ira," pagtawag ni Ellie sa kaniya. Napabaling naman ang atensyon niya sa kakapasok lang na si Ellie na may dalang mga papel. "Pinapabigay ni Direct Jay. Script mo raw para sa next scene mo, aralin mo raw nang mabuti." Kinuha naman ni

