NAPATAYO sa kinauupuan si Ira at tumingin ng diretso kay Allen. "Hoy, Allen! Ano bang pinagsasabi mo?" Nakatingin lang ng diretso sa kaniya si Allen at walang reaksyon. Alam niya na kaagad na ganito ang magiging reaskyon ni Ira. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo o trip mo na naman ako?" "I'm serious," may diing saad niya. "Akala ko ba tapos na? May panibago na naman bang pagpapanggap?" "Wala," mabilis na sagot ni Allen. "Then, why asking me? Akala ko ba tapos na lahat after ng nangyari kahapon? Ano naman 'to? Panibagong pakulo mo na naman ba ito?" "Bawal na ba magkaroon ng in touch after ng nangyari kahapon? Hindi mo rin naman ako maiiwasan dahil kaibigan mo ang asawa ng pinsan ko. In any case, magkikita pa rin tayo." Hinawakan niya sa kamay si Ira at hinila para makaupo muli. Na

