NAKARATING si Ira sa bahay nina Jhoyce ng mabilis. Madilim na rin sa labas at ang pinagtataka niya, bakit ngayong oras naisipan ng mag-asawa na magpa-house blessing? Naabutan niya ang kaibigan na nag-aayos ng mga pagkain sa may lamesa. Samantalang may kausap naman si Franco sa kaniyang cellphone sa sala. Hindi pa nagsisimula ang house blessing nila ngayon at may kaniya-kaniya lang silang ginagawa. "Nandiyan ka na pala," sambit ni Jhoyce nang makita si Ira sa gilid na nakatingin sa kaniya. Tahimik lang si Ira at pinagmamasdan ang ginagawa ng kaibigan. Napatigil naman si Jhoyce sa pag-aayos nang mapansin niya na para bang may mali sa kaibigan Lumapit ito at tinabihan si Ira, sabay nilang pinagmamasdan ang nakaayos na pagkain sa lamesa. "May problema ba?" mahinahong tanong ni Jhoyce sa

