LUMAPIT si Jhoyce sa kaibigan bago pa ito makaisip ng kung ano dahil alam niyang hindi magpapatalo agad si Ira. Samantalang lumapit din si Franco sa pinsan nito para pagsabihan si Allen na huwag na lang patulan at hayaan na lang ito. "Hindi naman kasi 'to mangyayari kung hindi niya ako hinamon," pagpaparinig ni Allen. Alam na kaagad ni Ira na siya 'yong tinutukoy ng dalaga kaya pinahinto niya si Jhoyce sa pagsasalita. "Hindi rin naman kasi 'to mangyayari kung hindi ka mayabang," sagot ni Ira. Napahilamos na lang si Jhoyce sa mukha dahil mukhang mapapasabak siya kung paano niya maaawat ang kaibigan. "Ako pa ngayon?" Humarap si Allen kay Ira at tinignan ito sa mukha. "Nananahimik ka na simula pa kanina. Bakit hindi ka na lang tumahamik hanggang sa matapos lahat?" "It's my li

