NAPASIGAW si Ira ng malakas nang hilahin siya ni Allen papunta sa gilid ng coffee shop. Tinitigan ito ng masama ng dalaga dahil nasaktan siya sa ginawang paghila nito. Nagpaalam kasi si Ira na pupuntang banyo, pero hindi niya alam na sinundan pala siya ng binata. "Ano ba, Allen? Nasasaktan ako!" reklamo nito sa binata. Hinatak niya naman ang kaniyang braso pabalik at tinignan ang namumulang parte ng kaniyang katawan. "Why did you do that?" inis na tanong ni Allen sa kaniya. Nagmaang-maangan ito sa kausap na para bang walang maling ginawa. "Ano bang pinagsasabi mo r'yan? nagtatakang tanong niya. Alam niya kung ano ang pino-point ng kausap, pero hindi niya puwedeng sabihin na kaya niya 'yon ginawa ay dahil trip niya lang. Mas lalong magagalit sa kaniya si Allen kapag nalaman ito. "Huwag

