NAPAAYOS ng tayo si Allen sa kaniyang sinasandalan na kotse nang makita ang kababata niyang kaibigan na si Carolline. Napakalawak ng mga ngiti nito na para bang alam niya na kung sino ang dahilan. "Allen, I miss you!" bati sa kaniya ni Carolline at sabay na sinalubong ng yakap. Gumanti rin sa pagkakayakap sa kaniya si Allen. "Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" nagtatampong tanong ni Allen nang magkahiwalay na sila sa yakap. Ngumiti naman sa kaniya si Carolline at nag-peace sign. "Sabi kasi ni Francis ay huwag daw munang makipag-bonding sa iyo dahil palagi mo raw akong inuuwi ng gabi," natatawang paliwanag ni Carolline, "pero huwag kang magalit sa pinsan mo, ah. Ganoon niya lang talaga ako kamahal." "Tsk," singhal ni Allen. Simula kasi noong nagkaayos sina Carolline at

