NANG matapos maihatid ni Allen si Carolline sa kanilang bahay ay dumiretso na rin siya sa condo unit niya para magpahinga. Gabi na nang makauwi sila matapos kumain at gumala. Balak pa sanang pumunta ni Allen sa bahay ng babaeng kausap niya sa cellphone kanina, pero dahil pagod na siya ay balak niyang ipagbukas na lang ito. Nilabas ni Allen ang kaniyang cellphone mula sa bulsa nang tumunog ito. Nakita niya naman sa screen na tumatawag ang pinsan niya na si Franco kaya agad niya rin itong sinagot. "Bakit ka napatawag?" tanong ni Allen nang masagot ang tawag. "Nasaan ka?" "Nasa condo unit ko na. Bakit?" "Wala naman," diretsong tugon ni Franco. "Oh, bakit ka napatawag kung wala ka naman pa lang sasabihin?" inis na tanong ni Allen. Dumiretso siya sa kaniyang kwarto at binagsak an

