NAPALINGON si Ira sa labas ng bintana nang mapansin niya ang pamilyar na dinadaanan nila. Hindi siya puwedeng magkamali dahil alam na alam niya ang bawat detalye nito. Napalingon si Ira nang tumigil ang binata sa tapat ng building kung saan nandoon ang condo unit niya. Iniisip nito na wala naman siguro silang kukunin sa loob para pumunta pa rito. Nilingon niya si Allen nang patayin nito ang makina ng sasakyan hanggang sa lumabas ito. Sinundan niya ng tingin si Allen nang makalapit at buksan ang pinto sa may passenger seat. Kahit nagdadalawang isip ay lumabas na si Ira ng kanilang sasakyan. "Anong ginagawa natin dito? May kukunin ka ba sa loob?" tanong ni Ira. Hindi naman siya sinagot ni Allen at wala na rin siyang nagawa kung hindi ang magpatianod na lang nang alalayan siya ng binata mag

