MALUHA-LUHA ang mga mata ni Ira habang naririnig ang malakas na tawa niya sa buong silid. Pagkatapos niya kasing asarin si Allen kanina ay hindi niya naman inaasahan na gagantihan siya nito. Ngayon tuloy ay hindi siya makawala dahil patuloy pa rin ang pagkiliti ni Allen sa magkabilang tagiliran niya. "S-Stop na," pautal-utal na sabi ni Ira para patigilin ang binata. Hindi niya na alam kung anong klaseng bali ng katawan pa ang kailangan niyang gawin para iwasan ang pangingiliti nito. Mahuhulog na lamang siya sa kama dahil ayaw pa rin tumigil si Allen. Maiksi lang ang braso at binti niya para pigilan ang binata. Kahit itulak or sipain ni Ira ito ay mabilis lang 'yong masasangga ni Allen. "A-Allen," pagtawag niya sa pangalan nito. Pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga. Gabi na

