PAIKOT-IKOT ang tingin ni Ira sa loob ng kotse ni Allen. Hindi pa rin siya nasasanay na sumakay sa kotse nito. Paano ba naman kasi ay 'yong sa una at huling beses na sakay niya ay hindi naging maganda. Hindi niya alam kung magiging maayos din ba sa mga susunod. Nang makapasok sa loob ng driver seat si Allen ay napatigil si Ira sa pagtingin at umayos ng upo. Naramdaman niya pa ang paglingon ng binata sa kaniya, pero hindi niya ito pinansin hanggang sa magsimula na mag-drive si Allen. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Ira. Nakatingin siya sa labas ng bintana bago niya nilingon si Allen na tahimik lang na nagmamaneho. "Seaside," maikling sagot niya. "Ano namang gagawin natin sa seaside? Isa pa, hindi ba at malalayo ang mga dagat dito?" Saglit siyang nilingon ni Allen pero binalik din ang tin

