NAHULOG ang baso na hawak ni Ira nang marinig ang sinabi ni Ellie sa kaniya. Nagkalat ang mga piraso nito sa sahig at tumama pa ang bubog sa hita ni Ira dahilan ng pagtulo ng dugo nito. Nakatulala lang ang dalaga at pina-process ang sinasabi ni Ellie sa kaniya. Hindi siya maniniwala kung hindi niya ito nakikita. Napahawak siya sa kanto ng lamesa nang maramdaman ang panghihina ng tuhod. Agad naman siyang nilapitan ni Ellie sa takot na matumba ito sa sahig at bumaon ang bubog sa katawan niya. Inalalayan niya ito maglakad palayo sa nabasag na baso hanggang sa makaupo si Ira. Liligpitin na sana ni Ellie ang nabasag nang pigilan siya ni Ira. Napahawak ito sa kaniyang baso para pigilan ang pag-alis ng kaibigan. Nang maramdaman 'yon ni Ellie ay napatingin siya kay Ira ng may pag-aalala. "Seryo

