NAABUTAN ni Ellie si Ira na patuloy sa pag-iyak. Alam niyang magbe-breakdown ito sa mga nalaman kaya pinaalam niya na ito sa isang staff. Inalalayan niya si Ira na makatayo papunta sa room para kunin ang gamit nilang dalawa. Nang makuha ay agad din silang dumiretso sa kotse na dala ni Ira. Si Ellie na ang nag-offer na siya na ang magda-drive at dahil wala sa kondisyon si Ira ay pumayag na lang ito. Pabalik-balik ang tingin ni Ellie sa kaibigan na katabi nito habang nagmamaneho siya papunta sa condo building nito. Nag-aalala siya sa biglaang pagtahimik nito kaya nabalot ng kaba ang dibdib niya na baka may iniisip na namang hindi maganda ang kaibigan. Hindi siya mapakali sa kinauupuan at gusto niyang tanungin ang kaibigan tungkol sa naiisip nito, pero baka mas lalo lang siyang makagulo. Wa

