NAAGAW ng pansin ni Allen ang pagdating ng kaibigan ni Ira kasama ang pinsan nito na si Franco. Napansin niya na kaagad ang pag-aalala sa mga mukha nila habang ang mga mata ni Jhoyce ay nililibot ang tingin sa buong silid. "Nasaan siya?" tanong ni Jhoyce nang makasalubong si Allen pagpasok. Mabilis namang tinuro ni Allen ang lugar ni Ira sa balcony simula pa kanina matapos nilang makapag-usap. Kahit na gusto niya nang umuwi ay hindi niya rin maiwan ang dalaga. "Kanina pa siya nandoon. Hindi ko siya makausap dahil ayaw niya naman akong pansinin. Hindi ko alam kung ano ang naiisip niya ngayon," paliwanag ni Allen. Hindi na sumagot pa sa kaniya si Jhoyce at naglakad na ito papunta sa balcony. Nang makalapit si Jhoyce ay binuksan niya ng maliit ang sliding door at kumatok. Naagaw naman ng

