SABAY-SABAY na nagsipagsigawan ang lahat ng Happy New Year nang pumatak ang alas dose sa kanilang orasan. Lumakas ang mga putukan sa labas ng kanilang bahay. Ang iba ay nagtatalon dahil ito na ang nakasanayan nila sa tuwing sasapit ang bagong taon. Naniniwala ang mga ito na tataas pa ang kanilang height. Ang iba naman ay gumamit na ng torotot upang makagawa ng malakas na ingay. "Happy new year," bulong na pagbati ni Allen kay Ira sa kanang tenga nito. Ngumiti naman ang dalaga at binati rin siya pabalik. Ngayon pa lang ang unang beses na nag-celebrate sila ng magkasama. Hindi niya akalain na aabot sila hanggang dulo ng taon. Kinuha niya naman ang bata kay Allen at binati rin ito. Pagkatapos ay pinaulanan niya ng halik si Riley sa mukha nito. Habang ginagawa 'yon ng dalaga ay nakangiting n

