Chapter 117

1475 Words

PINAGPAPASALAMAT niya ang pagtawag ng kaniyang ina dahil kung hindi ay siya na naman ang pulutan ng kanilang asaran. Nang marinig ang boses ay siya namang pagtigil ng lahat. Lumayo si Ira kay Allen at kahit na maingay sa labas ay para bang may dumaang anghel sa kanilang harapan. Lahat ay nakasunod ang tingin nang pumasok sa loob ang nanay ni Ira. Napatingin naman ang dalaga sa kaniyang ama at para bang nagtatanong ang mga mata nito. Nagkibit balikat lamang ito bilang sagot. "Sundan mo na muna ang mama mo," ani ni Mr. Velasquez at para bang nawala ang pang-aasar na itsura nito kanina. Nagdadalawang isip pa ang dalaga kung susunod, pero nang maisip na to lang ang tanging chance niya na makausap muli ang nanay ay sumunod na ito. Pagkatapos mamaalam sa ibang naiwan ay sinundan niya ng lakad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD