NAITULAK ni Ira si Liam ng malakas palayo sa kaniya sa gulat nang yakapin siya nito. Hindi niya inaasahan na gawin 'yon ng lalaki gayong ngayon lang sila ulit nagkita. Halata sa mukha ni Liam ang pagkabigla dahil sa ginawang pagtulak ni Ira, pero alam niya rin namang nagulat lang din ang dalaga sa ginawa nito. "What the hell are you doing?" Simula kanina ay itong tanong lang ang lumalabas sa bibig ng dalaga. Ang dami niya gustong itanong, pero nahihirapan siyang makahanap ng salita. Tinignan niya ang lalaki sa kulay asul nitong mata at ngayon niya lang ulit itong nasilayan sa malapitan. Sa tagal na hindi sila magkasama ay ang laki ng pagbabago ang nangyari sa binata. "I know you are shocked, but let me explain, okay?" paliwanag ni Liam dahil halata pa rin sa itsura ni Ira na hindi mak

