NAPATIGIL si Ira sa pagkausap sa babaeng kaharap nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Umikot ang mga mata nito nang pagkalingon niya ay nakita niya Allen na papalapit. Binalik muli ni Ira ang tingin sa babaeng ngayon niya lang nakilala at sabay pasimpleng tinuro ang papalapit na si Allen. "Siya 'yong siraulong lalaking tinutukoy ko sa iyo kanina," wika ni Ira. Hindi naman sumagot sa kaniya ang babae at tinignan lang din ang binatang tinutukoy nito. "Love, what are you doing here?" tanong ng binata nang makalapit. Hinawakan niya naman ang braso ni Ira, pero binawi lang ito ng dalaga pabalik. Pagkatapos ay sinamaan niya ng tingin si Allen. "Nagpapakasaya, duh!" sarcastic na sagot ni Ira. Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay bumabalik sa alaala niya 'yon

