NAGISING si Ira na may tumatapik sa kaniyang braso. She was about to remove it when she heard unfamiliar voice. Naidilat ni Ira ang kaniyang mga mata at napatingin sa taong nasa harapan niya na pinagmamasdan siya. "Miss, magbubukas na kami. Nakaharang ka sa entrance," salaysay nito. Napatayo naman agad si Ira sa kaniyang pagkakaupo sa upuan na nasa harap ng pintuan ng store. Hindi maalis sa mga mata ni Ira ang design na lotus na naka-paint sa pinto ng isang flower shop. Naalala niyang itong shop ang nakaagaw ng pansin niya at dahil na rin siguro sa design na nasa pinto. Dalawang tao kasi ang naalala niya roon kapag nakikita niya ang bulaklak na 'yon. Isang masayang alaala at isang malungkot na alaala. Tinignan ni Ira ang kaniyang paligid at maliwanag na ito dala na rin ng papasikat na

