NATIGILAN si Ira nang makita si Allen na lumabas ng room kung saan ito nagsukat ng huling suit niya. Hindi niya mapigilang mamangha nang makita itong suot ang suit na nababagay sa katawan niya. Kahit ang ibang staff sa boutique na 'yon ay hindi mapigilang mamangha nang makita si Allen. Para bang nagkaroon ng liwanag sa kanilang mga mata. He's wearing a ford Shelton slim-fit wool, mohair, and silk-blend navy blue suit. His suit fits slightly trim through the shoulder and has a closer fit to the chest but is cut a little looser to allow more room between the body and the jacket—allowing room for comfort and movement. "How was it?" tanong ni Allen kay Ira. Umikot pa ito at pinakita ang kaniya suot na suit na saktong-sakto lang sa katawan niya. Natigilan si Allen sa kaniyang pagkilos at lum

