NAGLAKAD-LAKAD si Ira sa bakuran ng bahay habang tulak ang stroller at nakasasakay rito si Riley. Alas kuwatro na ng hapon kaya hindi na masyadong mainit ang araw dahil palubog na rin ito. Minsan ay nilalaro niya ang bata pero madalas ay nakatingin lang siya rito. "Kailan ba kasi babalik ang tatay mo? Mukhang nag-enjoy na 'yon sa bakasyon niya," tanong nito sa bata kahit na imposible siya nitong sagutin. Gusto niya lang talaga ay ang malabasan ng inis dahil sa pang-iiwan ni Allen sa kaniya. Okay na sana ang lahat. Medyo gumagaan na ulit ang pakiramdam niya sa kaibigan dahil sa ginawa nitong pagpasyal sa kanila at pagkuha ng litrato na magkakasama. Pero mukhang may dahilan na naman ang pagbabalik ng inis niya. "Sabi niya tatlong araw lang siya aalis pero umabot na ng apat na araw 'yon!

