INALIS ni Ira ang pagkakahawak sa kaniya nang subukan na naman nitong tanggalin ang kamay ni Ira sa noo. Mas lalo tuloy nag-aalala ang dalaga sa binata at kung bakit ito nangyari sa kaniya. "You're sick, Allen," wika nito sa binata. Sinubukang tumayo ni Allen at tinanggal ang kumot. Kahit na nanghihina ay pinilit niya pa ring ipakita kay Ira na malakas ito. "I'm not. Kunin mo na si Riley dahil baka magising pa 'yan at umiyak," sagot ni Allen habang ang mga mata ay nakatingin sa bata. Hindi naman 'yon pinansin ni Ira at naka-focus ang mga mata nito kay Allen. Hindi niya naman puwedeng hayaan ang lalaki na ganoon lang. Lalo na nang dumapo ang kamay niya sa noo nito ay naramdaman niya ang sobrang init doon. Mukhang kanina pa ito iniinda ng lalaki para lang ipakita na okay ito sa harap ni

