NAPALINGON si Allen kay Isabela nang dumating ito nang hindi kasama 'yong taong ini-expect niya. Kasalukuyan siyang nasa tapat ng lamesa habang may nakahain na pagkain sa ibabaw nito. "Nasaan si Ira?" bungad nitong tanong sa dalagang katulong. Napalingon pa ang binata sa likod ni Isabela at nagbabakasali na sumunod si Ira, pero hindi niya nakita maski anino man lang nito. "Sir, busog pa raw po siya," sagot ni Isabela. Malalim na napabuntong hininga si Allen. Napabalik ang tingin niya sa ibabaw ng lamesa na may nakahain na iba't ibang pagkain. Maaga siyang naghanda dahil nagbabakasali siyang kakain na ang dalaga. Hapon na at alam niyang kumakalam na ang sikmura ni Ira dahil sa gutom. Kahit na hindi sila nagpapasinan ay alam niyang kailangan pa rin nitong kumain. Hindi ganoon kadali ang

