Chapter 134

1277 Words

DAHAN-DAHANG inabot pabalik ni Jhoyce si Riley kay Ira nang matapos nitong magpaalam sa lahat. Napatingin naman ang lahat kay Alyanna na nagmamadali itong lumapit na may dalang paper bag na naglalaman ng mga pagkaing ipinagbalot niya para sa dalaga. "Nag-abala pa po kayo, Tita Yanna. Nakakahiya naman po," wika ni Jhoyce at wala na siyang magawa kung hindi kunin ang inaabot ni Alyanna sa kaniya. "Ano ka ba naman, Jhoyce. Para sa inyong dalawa 'yan ni Franco. Alam kong nami-miss na rin ng pamangkin ko ang mga luto ko," paliwanag ni Alyanna. Nahihiyang napangiti naman si Jhoyce at saglit na sinilip ang mga laman sa loob ng paper bag. Medyo mabigat 'yon kaya naman panigurado ay maraming pinadala si Alyanna sa kaniya. "Babalik pa naman po ako, Tita Yanna." Tinignan ni Jhoyce ang kaniyang k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD