PABALIK-BALIK ang lakad ni Ira habang hinihintay niyang matapos sa pagligo si Allen ng katawan. Naguguluhan siya kung sasabihin niya ba sa lalaki dahil alam niyang may problema pa silang kinakaharap at alam niyang dadagdag lang ito sa iisipin ng binata. Ngunit ano nga ba siya ni Allen? Hindi ba dapat at malakas ang loob niyang sabihin ang totoo kasi siya naman ang taong pinili ni Allen? Pero kahit na ganoon ay hindi niya pa rin mapigilang makaramdam ng nerbiyos. Napatigil si Ira sa paglalakad at huminga nang malalim noong marinig niya ang pagpatay ng tubig senyales na tapos na ang binata. Tinignan niya ang kaniyang tiyan na hindi pa naman ganoon kalakihan, pero hindi niya inaasahan na may laman na pala. Akala niya ay dala ng stress kung bakit hindi siya dinatnan ng isang buwan, pero ma

