HUMINGA nang malalim si Ira nang matapos nito ubusin ang alak sa boteng hawak niya. Inilapag niya ito sa may harap niya at napasandal na lang sa kaniyang kinauupuan. Kanina pa siya tahimik at napapansin 'yon lahat ng kaibigan niya. "Ano kaya pa?" pang-aasar ni Jhoyce. Isang ngisi naman ang sinagot ng dalaga sa kaniya. "Buti na lang talaga at pinayagan ka ni Allen." Napaismid ang dalaga at para bang walang pakialam sa sinabi ni Jhoyce. Kalagitnaan na ng gabi nang magpaalam si Ira na aalis siya at para payagan ni Allen ay nagsinungaling na lamang siya na sa bahay nina Jhoyce matutulog dahil may gagawin sila. Mabuti na lamang at pinayagan ang dalaga at hindi na nagtanong kung ano ang gagawin sa kaibigan ng dis oras ng gabi. Mabuti na lamang dahil nang makarating si Ira kina Jhoyce ay sakto

