NAKAUWI na si Ira sa kanila, pero ganoon pa rin ang naiisip niya. Hindi siya mapakali dahil may parte sa kaniya na gusto niyang gawin 'yong sinabi ni Jhoyce, pero nauunahan siya ng takot at ng mga tanong na alam niyang walang makasasagot kung hindi ang binata lamang. Mabilis na napaayos ng upo si Ira nang pumasok si Allen na may dalang tasa. Naaamoy niya na kaagad ang matapang na amoy ng kape mula sa baso nito. Sinundan niya lang ng tingin ang lalaki hanggang sa makarating ito sa sarili nitong table. After kasi ng pagsundo sa kaniya ng binata ay nagsimula naman ang pagiging busy ni Allen. Iyong sinabi niya na pupunta ang tatay nito ay hindi na natuloy dahil nagkaroon ito ng biglaang lakad. Kahit papaano ay nakabawas sa iisipin sa dalaga na 'yon. Nakatingin si Ira mula sa kama kay Allen.

