HINDI mapakali si Allen sa kaniyang kinauupuan habang kaharap ang nanay nito at si Aiselle. Ngayon pa lang ay ramdam na ramdam niya na ang kalahating katawan ay nasa hukay na. Ganoon ba talaga ang pakiramdam kapag nagsinungaling ka sa isa pang kasinungalingan? Ito ang kinakatakutan niyang pangyayari na magkakaharap-harap silang lahat at susuriin kung ano ba ang totoong nangyayari. Hindi siya makagalaw sa kaniyang kinauupuan. Mabuti na lamang at kinuha si Riley sa kaniya ng matandang katulong dahil baka mabitawan niya ito kung sakaling may mangyaring hindi maganda. "Wala pa rin ba si Ira?" tanong ni Alyanna habang hinihintay ang pagdating ng dalaga. "Mom, masama pakiramdam ni Ira. Hindi po 'yon pupunta ngayon. Nagpaluto naman po ako kay Isabela kanina ng soup para may makain siya," dahi

