KINABUKASAN ay nagising si Ira na wala na si Allen sa tabi niya. Hindi rin nito nakita ang gamit ng binata na nakalagay sa may couch. Tulog na tulog pa sa tabi niya si Riley kaya naman inihiga niya na lang muli ang katawan sa may kama. Wala naman na siyang gagawin ngayong araw kaya mas minabuti na lang nito na magkulong muna sa kuwarto. Samantalang nang makasakay si Allen sa eroplano papuntang Maynila ay hindi niya mapigilang mag-isip para sa mga naiwan niya sa probinsya. Lalo na 'yong gabing narinig niya si Ira habang binabasa ang sinulat ng kapatid nito. Iniisip niya palagi na siya ang dahilan kung bakit naghihirap ngayon ang dalaga. Nang makarating sa Maynila ay agad niyang tinawagan ang dalawang kausap niya simula noong nangyaring aksidente. Sinalubong siya ng dalawa pagkalabas ng ai

