“HAY! ‘BUTI na lang,” wika ni Prix nang makapasok sa loob ng bahay. Mabuti na lang at naka-silong na siya bago pa lumakas ulit ang ulan. Maingat niyang ibinaba ang camera na itinago sa ilalim ng suot na t-shirt para hindi mabasa. Nang tumila kasi ang ulan nang umagang iyon ay lumayas na siya ng bahay para magawa na ang kanyang assignment. Magandang pagkakataon para makapag-ikot-ikot na siya sa kabuuan ng isla at maghanap ng magagandang view na magiging subject niya. Pero hindi pa man siya gaanong nakalalayo ay heto na naman ang pahamak na ulan. Napilitan tuloy siyang bumalik sa bahay. “Talaga bang hindi ka nag-iisip?” Nagtataka niyang niliongon si Ace. Mukhang galit na naman ito. Well, anong bago? “Ano na naman ang ginawa kong mali?” “Alam mong umuulan, bakit lumayas ka pa rin? Kung gu