LUMIPAS ang ilang oras na hindi pa rin nagbabago ang mood ni Prix. Kumakalam na ang sikmura niya pero wala siyang balak na lumabas ng silid dahil alam niyang magkakabanggaan lamang sila ni Ace. At kahit gustong-gusto niyang makipagbakbakan sa lalaking iyon, kailangan niyang magpalamig muna ng ulo dahil hindi naman puwede na lagi na lnag siyang magbabanggaan lalo at stuck sila pareho sa loob ng bahay. Isa pa, hindi pa rin niya isinusuko ang trabaho. Kailangan pa rin niyang matapos ang project, kahit pa harangan siya ng sibat ng demonyitong Ace na iyon. Inabala na lamang niya ang kanyang sarili sa pagbutingting sa kanyang camera. May narinig siyang mahinang katok sa pinto. Hindi niya iyon pinansin. Ilang beses pa iyong kumatok pero nanatiling tahimik lang si Prix sa harap ng kanyang came