PINILIT ni Prix na magmukhang pormal nang magkaharap na sila ni Ace sa mesa. She didn’t want him to know that she enjoyed her little victory over him. Napatingin na lang siya sa labas ng salaming bintana nang makita ang pagguhit ng kidlat sa kalangitan. Mukhang matatagalan pa nga talaga ang ulan na iyon. “Hay, tingin mo aabutin pa ng hanggang bukas ang ulan na ‘to? Nasasayang kasi ang oras ko rito ng walang nagagawa at natatapos na trabaho,” wika ni Prix mayamaya. “Kung bakit kasi ngayon pa naisipan ni Mother Nature na magpa-ulan dito. Malapit na ang deadline ko…” “Ano ba ang particular subject na ibinigay sa iyo ng Nature’s View?” Nature’s View ang isa sa tatlong magazine na hawak ng Spade International. Nilingon niya ang lalaki. “Hindi mo alam?” “Trabaho ng editor-in-chief ang mag-